A Travellerspoint blog

N.A.S.A.

NASA-an ang school na ito?

Kapag umuuwi ako galing sa trabaho, apat ang nasasakyan kong PUV (Public Utility Vehicle). Ako ay sumasakay sa jeep na papuntang Ayala, tapos sumasakay ako ng bus papuntang Coastal. Pagdating ko naman ng Coastal ay kailangan ko pang sumakay ulit ng jeep papunta sa isang village sa Parañaque na malapit sa Manila International Airport, at isa pang jeep sa loob ng village.

Alam ng mga nakatira sa Parañaque na sobra ang traffic sa Coastal road kapag rush hour at segundo lang ang mabibilang sa pagpapalit ng stop light sa intersection. Mayroong "unofficial" pila doon ng mga jeep na papuntang Sucat. Ito ay pinupuno ng "unofficial" barker para sa mga jeep na bumibyahe doon. Mayroong dalawang klase ng driver na pumupila. Ung gahaman sa pasahero na kahit isa na lang ang kulang ay hindi pa aalis; at ung mabait na may pakiramdam para sa mga nagmamadaling pasahero at hindi na inaantay na mapuno pa ang jeep.

Habang inaantay na mapuno ang jeep sa loob ng Village kung saan ako nakatira, may isang taxi driver na lumapit sa jeep na sinasakyan ko. Mayroon siyang hawak na papel sa kamay at ipinakita niya ito sa jeepney driver.

"Pare, saan ba ito?", Sabay turo niya sa papel na hawak niya. Ito ang nakalagay sa header ng naturang papel.

N.A.S.A.
Mia Road, Parañaque
Philippines

"N.A.S.A.? Mia road." Ang basa ni manong jeep. "Ah, dun yan siguro papuntang airport." Ang sabi niya kay manong taxi.

"Galing na kami doon. School daw yun. Pero hindi namin yan nakita eh." Sabi ni manong taxi. Sabay turo niya sa kanyang sasakyan na may mga dalawang byaherong foreign nationals.

"Dun yan siguro malapit sa dating Patts." Ang hirit naman ng usi na pasahero na katabi ng jeepney driver. Sabay na nagpresenta ng mga direksyon kung pano pupunta doon si manong taxi driver.

Kaso si manong taxi, dahil medyo late 40's o early 50's, mahina na makasunod sa sinasabing direksyon ng usi na pasahero, siya ay nagkamot ng ulo (na konti nalang ang buhok) sabay bigkas ay "Hindi ko makuha ung sinasabi mo papunta doon eh."

Anak ng ...

Si manong taxi, naturingang driver ng pampasaherong sasakyan, hindi makasunod sa direksyon! Parang nakakawalang tiwala naman sa kanila. Diba nga kapag hindi natin alam ang pupuntahan natin at mayroon tayong sobrang pera ay sumasakay tayo ng taxi para hindi tayo maligaw?

Hay naku!

Bigla ulit humirit itong si usi na pasahero. "Mayroon naman nakalagay na phone number o. Bakit hindi ninyo muna tawagan at doon kayo magpatanong ng direksyon?"

Ay mukhang napikon si usi na pasahero. Magmamagaling kasi. Ikaw na ang magaling. Sige na. Ikaw na ang hari ng direksyon.

Tamaan!

Ganoon naman ang sinunod ni manong taxi. Ibinigay ulit dun sa kanyang pasahero at tinawagan ang naturang eskwelahan. Pero nakapagtataka lang diba? wala naman sigurong N.A.S.A. dito sa pinas? Hindi kaya na-good tym lang ang mga foriegners na iyon?

Kanina, sinubukan kong hanapin ang pangalan ng eskwelahan na iyon sa internet. Wala akong nakita. Siguro bago lang yun o hindi rehistrado. O kaya wala talagang ganon. Ano sa tinging nyo?

:) :) :)

Posted by veela 14:00 Archived in Philippines Tagged transportation Comments (0)

Rihanna and Cris Brown - Live in Taguig

Nakakatuwa ang mga iba't ibang bagay na nakikita at nadidinig natin sa mga araw na pagbyahe natin papuntang opisina. Napaka normal naman ng mga tanawin noong pumasok ako noong Lunes ng umaga (dahil 1am ang pasok ko - bampira ito).

Nakita ko ang mga "rugby boys" sa tawiran sa may coastal at sumakay sa bus na lumilipad sa sobrang bilis ng takbo. Nagulat lang ako ng bumaba na ako sa may Ayala cor Edsa dahil tila may komosyon. Meroong bumbero, police mobile, at sari-saring kotse na nanggagaling sa dako paroon ng Taguig. Atsaka naiisip ko - ay ngayon pala ang concert nila Rihanna at Chris Brown.

Bad trip!

Si manong jeepney driver ay gahaman at nagpuno pa ng pasahero kaya muntik akong mahuli sa aking pasok. Habang nag-aantay nakita kong dumaan ang convoy ng mga naturang "performers".

Mga hinayupak!

Naka pula ang traffic light pero diretso lang sila kasama ang mga ugong ng police siren. Napakagandang ehemplo sa kanila hindi ba? Saan ka makakakita na pwedeng mag-go ang kotse kapag pula ang signal? Where else?

Only in the Philippines!

In fairness gusto ko naman ang mga songs ng dalawang magjowa. Magaling silang performers. Nakakabilib talaga dahil bata pa sila at in-demand na sila sa kanilang napiling trabaho.

Ano naman kaya ang kakaibang experience ko sa susunod na pagpasok ko sa trabaho?... :)

Posted by veela 15:11 Archived in Philippines Tagged events Comments (0)

(Entries 19 - 20 of 20) « Page 1 2 3 [4]