A Travellerspoint blog

Migratory Birds

Seasonal journey of the other species

It's only about 14 or 15 days before Christmas. The air seems cooler, the time in a day seems to go faster, and you can see the Christmas decor being put up by different establishments. On the other hand, the traffic in the Metro becomes more sluggish than the usual. However, it is not only the humans who are preparing for this occassions, let us pay attention to the other beings we share with on earth like - birds.

Tama na ang english. Nag no-nose bleed na ako.

Birds o ibon. Ito ang aking napansin habang ako ay pauwi sa aming bahay. Bago kasi ako makarating sa bahay namin, madadaanan ko ang NAIA (Ninoy Aquino International Airport). Tuwing malapit na ang pasko, napapansin ko ang mga puting ibon sa damohan ng runway.

It's migrating season.

Ang mga ibon ay tila mga turista na bumibisita sa mga bansang mainit ang panahon. Nagkakaroon kasi ng nyebe ang mga lugar na pinagmulan nila kaya sila umaalis doon pagkatapos ng tagsibol. Noong mga nakaraang taon tila kumonti ang mga ibon na nakikita ko sa runway. Kadalasan ay nasa damo lang sila nakaupo. Natuto na ang mga ibon na ito. Noong una kasi silang napadpad doon, sila ay naging panggulo sa mga eroplano na kailangan dumaan sa runway para makalipad. Akala siguro ng mga ibon na ito ay kamag-anak nila ang mga eroplano kaya nila ito nilalapitan noon. Mayroon tuloy mga na-delay na flights ay kailangan pa silang itaboy sa tabi ng mga Airport Control Personnel. Nakakatuwa nga iyon dahil iyon ay naipakita pa sa isang lokal na istasyon sa telebisyon.

Nakakatuwang isipin na hindi lang tao ang nagiging turista natin sa bansa. Maging ang mga ibon at isda ay nagiging bisita din natin. Sana ay maalagaan natin sila at huwag gawing pagkain. Dahil sila ay kasapi sa mga nagbabalanse ng ating "Ecosystem". :) :) :)

Posted by veela 17:41 Archived in Philippines Tagged animal

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint