A Travellerspoint blog

OT

The aftermath...

Last day na namin ng training for the new LOB. Nag render kami ng overtime sa aming current LOB. I think that was May 1 so it is a legal holiday. Kapag ganitong panahon ay maraming nag-o-ot. 100% kasi ang pay on top of the normal salary for the first 8 hours.

11pm until 7am the next day ang training. Nag render kami ng ot from 7am till almost 3pm. Pagkatapos noon ay gumala kami muna sa mall kasi sobrang init ng araw. Ito ang naging itsura ni j-bert dahil sa OT.

after_ot.jpg

Kasama kong gumala ang aking travel buddies na si Joboy at J-bert. Si Joboy, hinahanap yung poster tungkol sa "Food Styling and Photography". Inikot na namin literally ang buong Glorietta at hindi namin nahanap yung poster na iyon. Pinalitan na ata. Kaya ayun si Joboy nanghinayang. Bukod doon tumingin din siya ng mga bagong mobile phone model para ipalit sa kanyang nawalang phone sa bus.

Si J-bert naman ay nagpatulong bumili kay Joboy ng memory card para sa kanyang phone (taray uy!). Tumingin din siya ng protector para sa kanyang phone. Kaso nga lang hindi nya alam ang model ng phone niya (hiyang-hiya ako!) kasi hindi nya dala.

Nagawi kami noon sa Parksquare 1. May nakita si Joboy na mini model cars sa window display. Mayroon din doong mga tamiya. Naalala nya noong adik pa siya sa tamiya. Kaya dahil diyan kinunan ko siya ng letrato sa nasabing store.

tamiya_heaven.jpg

Hay... Kay simple ng buhay noong tayo ay bata pa dahil wala sa bokabularyo natin ang salitang "overtime".

:) :) :)

Posted by veela 08:30 Archived in Philippines Tagged shopping

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint