A Travellerspoint blog

MOA Adventure

Aftermath of Team building ala Alaine

sunny

Pauwi na kami nila MJ at Ria galing kina Alaine. Si Joboy ay hinatid nila sa van papuntang cavite. Nakatanggap ako ng text message galing kay mama.

"Nasaan ka? Punta daw si papa sa MOA."

Tamang tama at papunta ang bus ng makati. Kaya nag-reply ako na didiretso nalang ako ng MOA pagdating ko ng makati.

Tulog sa byahe si Ria at MJ, halos dalawang oras ang biyahe papuntang Makati. Nang nakababa na ako sa bus stop, ako ay nag-order ng KFC BBQ melts kasi medyo gutom na ako. Akala ko naman ay sobrang puno yung pita, hindi pala. In fairness masarap naman siya.

Nakarating ako sa MOA at tumuloy ako kung asan si mama. Madami pa silang customer kaya nag-aya si papa na gumala. Panoorin daw namin ung "roving band". Nang dumating kami sa may likod ng mall, may nakita kaming parade. Hindi ko alam kung ano ang meron pero iba't-ibang character costume ang nakita ko. Queen Amidala, Pocahontas, Zoro, Space man, Man on stilts, at ang mga taong naka ati-atihan costume ay nag-perform. Nasa dulo ng parada ang SM Marching Band. Nakakatuwa.

Dahil malapit na mag 6pm nag-aya kumain si papa. Nilibre ko siya ng pagkain sa - Greenwich. Dalawang order ng Lasagna Supreme at may kasama ulit na coupon para sa raffle ng American Idol Trip to L.A.

Greemwich.jpgthumb_Greenwich_2.jpg

Para bumaba ang kinain namin ni papa. Naglibot kami ulit. May nakita kaming bagong libangan para sa mga bata malapit sa tabing dagat. Tinawag ko itong "Bubble Pool". Mayroon itong mababaw na tubig sa isang portable pool. Ang mga bata ay papasok sa isang bubble plastic at lalagyan ng hangin para maging malaking bola. Siguro may oxygen ang hangin kasi hindi naman na-susuffocate ang mga bata sa loob. Kapag puno na ng hangin ang "bubble" ito ay nilalagay na sa pool at magpapaikot-ikot ang mga bata sa loob nito. It is a great way to loose their energy. Haha... Sana na-imbento ito noong bata pa ako. :) :) :)

Posted by veela 14:06 Archived in Philippines Tagged shopping

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint