A Travellerspoint blog

Lampayatot!

Mis-adventure at home

sunny

Isang araw tinawag ako ni papa sa labas para kunan ang aming mga aso. Sumasayaw kasi sila habang kinakantahan ni papa ng simpleng tono. Dali-dali ko namang kinuha ang aking cellphone at lumabas ng pintuan. Ngunit, pagkakita sa akin ng aming mga aso ay biglang huminto sila sa pagsasayaw at lumapit sa akin. Ako naman ang kanilang dinambahan.

Hay… Dahil doon, ako ay tumuntong sa isa sa mga upuan namin sa labas. Ito ay gawa sa plastic at hindi naman primera klaseng upuan na may kasamang lamesa. Ito ay kilala din sa pangalang garden table set. Madalas ko naman ginagawa iyon kaya hindi ko inakalang may mangyayaring masama sa akin sa araw na iyon. Maya’t maya pa ay naiwan ako sa labas ng bahay at pumasok na si papa sa loob. Habang ini-edit ko ang video ng aming mga aso bigla akong may narinig na tunog.

“Krak…”

Naku, hindi magandang sinyales iyon. Bago ko mapagtanto aking narinig, bigla nalang lumusot ang kanan kong paa sa upuan.

“Aray!”

Sobrang bilis ng pangyayari at nakita ko nalang na nakatagilid ang upuan, nakadantay ang kanang kamay ko sa munting harang sa pagitan ng bintana at halamanan, at wala na akong hawak na cellphone. Pati ang katabing lamesa ay nagkulang ng isang paa. At dahil doon, masakit ang muscle ko sa likod, puro galos at may malaking pasa sa aking kanang paa.

Si papa pinagalitan ako. Siguro nag-flashback sa kanya yung mga minor accidents ko nung bata pa ako. Siyempre concerned yun. Anak nya kami. Ayaw nyang nasasaktan ang mga anak niya. Si mama naman noong una nag-alala kasi may dugo ang mga galos ko sa paa. Maya-maya naman ay tumawa noong nalaman nya na okay naman ako. Sabi nya kasi nung umagang iyon na bumibilog na daw ang mukha ko. Salamat ma ha! Pasimpleng sinasabi nya na tumataba na ako. Baka yun daw kasi ang dahilan kung bakit bumigay ang upuan. Grr…

Hay… Akala ko pa naman at hindi na ako accident-prone. Mula kasi bata ako, madalas akong na-aaksidente. Pumailalim ako sa aming side-car dahil ako ay nahulog habang ito ay umaandar; sumemplang sa single bike; bumangga sa muebles ang hinliliit ko sa paa; nadulas sa banyo o sa basang sahig; nakuryente (ipasok ba naman ang daliri sa nakasaksak na lampshade); natapilok; na-dislocate ang buto dahil nahulog sa folding chair habang nakikipaglaro kay ate ng “langit - lupa”; nabubog sa basag na pinggan o baso… at marami pang iba…

Tsk. Tsk.

Ang sabi ng aking kaibigan na si Joey – parang ako daw si Bella (Twilight Saga character by Stephenie Meyer). Ang sabi ko naman – naiisip ko na iyan pero si Bella maganda at may mind power – ako wala! Haha! :) :) :)

Ang sabi naman ng isa ko pang kaibigan na si Ria – ako daw ay isang battered agent. Hay naku. Ito na ata ang pinakamalala kong aksidente ngayong ako ay matanda na. Hindi ko man lang magamit ang excuse na lampayatot.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat. Pinipilit ko naman maging maingat. Everyday is an adventure for me. Ako ay flat-footed. Kaya kahit sa patag na lugar at tsinelas lang ang gamit ko , may pagkakataon parin na ako ay natatapilok.

It’s a curse to be me… :( :( :(

♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠♥♦♣♠

Posted by veela 13:00 Archived in Philippines Tagged disabilities

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint