A Travellerspoint blog

Team Building

Team PG @ Alalaines house

sunny

At last! Team building na naman. Kantahan at kainan to the max sa bahay nila Alaine.

Dapat ay pupunta kami ng Sagada. Kaso lang medyo malaki ang magagastos namin papunta doon. Dahil sa gustong-gusto naming mag-bonding ng team, napagkasunduan nalang na pumunta sa bahay nila Alaine sa Laguna.

Si MJ, Joboy, at ako ay galing ng opis. May shift kasi kami ni Joboy noon. Si Ria naman ay dumiretso doon sa "meeting point" galing sa bahay nila. Habang nag-aantay kami na umalis ang bus, bumili si MJ ng itlog ng pugo. Ako naman ay inumpisahang kainin Fish-fillet VM ng Mcdo. Naalala ko pa na ang palabas sa TV ng bus ay ang Underworld - Rise of the Lycans.

Habang nasa byahe, nagkukwentuhan kami tungkol sa nakaraang byahe namin sa bus papuntang Laguna din. Yun ay noong nag-swimming naman kami. Ganito kasi ang paraan para hindi mahilo si Joboy sa bus. Kwentuhan galore at text din sa mga nasa Laguna na. Nag-uupdate kung sino na ang nandoon at kung ano na ang ginagawa nila.

Nang makarating kami doon. Pumasok kami sa Greenwich para magpalamig at antayin si Alaine. Hindi kasi namin alam kung paano pumunta sa bahay nila. Halos 2 oras din ang byahe namin doon at malapit nang mag-tanghalian. Ako - si takaw tingin ay nag-order ng pizza. Meat and cheese overload. May kasama pala itong coupon para sa American Idol - Trip to L.A. contest.

Sumakay kami ng tricycle papunta sa bahay nila Alaine. Merong surpresa na sumalubong sa amin. Kailangang dumaan sa isang maliit na tunnel para makatawid. Nakasakay sa likod ng driver si Joboy, naririnig namin ni MJ na nagkukwentuhan sila. Nang makarating kami kina Alaine, saka lang namin nalaman na sa sobrang takot ni Joboy sa tunnel ay gusto na nya tumalon kaya nakipag-kwentuhan nalang siya kay manong driver. :) :) :)

Hiyang-hiya naman kami nang makapasok kami sa bahay nila Alalaine! MARBLE ang sahig at banyo. Tsk Tsk. May pauna pa siyang text sa amin na huwag kutyain ang bahay nila kasi maliit lang ito. Kaya laking gulat namin nung makita namin ang kanilang bahay. So shy, so shy...

Eto ang naging menu ni Chef Joey Boy sa Team Building ala Alaine:

Lunch
* Ginisang Mungo at Baboy na may bagoong
* Fried Tilapia (dahil hindi kumakain ng gulay si Ria at Reina)
* Plain Rice
* Coke

Dinner
* Lechong Kawali
* Plain Rice
* Buko salad ala Ria
* Coke

Brunch
* Palabok
* Pizza ala Greenwich
* Omelet
* Plain Rice
* Coke

Eto naman ang list of activities:

* VIDEOKE GALORE
* LAMON
* CHIKA GALORE
* Tulog
* Movie - Windstruck

Kinahapunan sinulit ni J-bert ang pagbirit sa videoke machine dahil may pasok pa siya kinagabihan. Nagkaroon sila ng "show down" ni Joboy. Si Joboy naman ay halos linya nalang ang mata dahil sa sobrang antok. Malapit na kasi mag 24 hours siyang gising. Dumating naman nung gabi ang boyfriend ni Reina. Doon din siya natulog.

Kina-umagahan, nag "hang-out" kami nila Ria, Alaine. MJ, Joboy, at ako sa kabilang kwarto at chikahan to the max bago kumain ng agahan/tanghalian. Nauna na kasi umalis si Reina at ang kanyang bf. Pagkatapos namin kumain, nagkayayaan manood ng DVD. Ang napiling panoorin ay Windstruck. Nakakaiyak ang palabas. Namumula na ang mga mata sabay hikbi. (joke lang). Basta umiyak kami lahat. Habang nanood kami, hinihilot naman ni Joboy ang kanyang binti. Nag-uumpisa na ang kanyang rayuma.

Ayaw kasi tantanan ang mungo!!!

Parang ayaw pa nga namin umalis doon kina Alaine. Tinatamad na kasi kami bumiyahe. Hapon na kami umalis doon. Malapit na ata iyon mag-4 pm. Kinabukasan nalaman namin na natuloy ang rayuma ni Joboy at nagpasundo pa siya sa babaan ng van. Humirit daw sa kanya ng tatay nya na sagutin niya ang pang-gas. Hahaha!!! :) :) :)

Posted by veela 12:00 Archived in Philippines Tagged backpacking

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint