A Travellerspoint blog

Little Drummer Boy

A jeepney adventure

-17 °C

Pauwi na ako kahapon. Nakasakay na ako ng jeep sa may Coastal Road papuntang Sucat. Puno ang jeep at nagkahinto ito dahil hinihintay na mag-berde ang ilaw ng stoplight. Dahil sa sobrang antok, ipinikit ko na ang aking mata dahil medyo malayo pa ang biyahe papunta sa amin. Nagulat ako nang biglang may naglagay ng maliit na sobre sa aking kamay. May batang naglalakad sa pasilyo ng jeep at may dalang home-made na tambol. Biglang akong nakaramdam ng deja-vu. Ganito rin kasi ang naranasan ko sa Makati habang papunta ako ng Filmore St. (nung kumain ang Team G sa Amber - Haha! :)) . Habang bumibyahe ang jeep naka-upo ang bata sa may hagdanan ng jeep at sinimulan ang kanyang presentasyon.

Aarrgghh!!!

This is not music! It is noise! Siguro maganda ang mensahe ng kinakanta nya at makabuluhan ang kaakibat na ritual sa kanyang kinakanta - pero, hindi ko siya naiintindihan! Para lang siyang umuungol habang pinipitik ang dalang mumunting tambol. Na-iisip nyo ba? Kumakanta siya habang bumubusina ang mga katabing sasakyan.

Grrrrr!!!

Nang - sa wakas - natapos ang kanyang pag-awit. Kinuha na niya ang mga sobre sa mga pasahero. May naawa at nagbigay naman ng pera sa kanyang sobre. Habang pababa na siya ng jeep. Mayroon siyang sinabi. Malamang hindi maiintindihan ang sinabi niya dahil ibang dialekto ang kanyang gamit. Mukha ata siyang galit kasi barya lang ang nakuha niya. Halos lahat kasi ng sobre ay walang laman. Paano ko nalaman? Bawat abot kasi ng sobre sa kanya ay agad niya itong tinitingnan.

Haller!!!

Hindi kasi siya nakakatuwa. Nakaka-irita siya! Hay, mainit na nga ang panahon. Wala pa akong tulog. At may kutong-lupa na umiiksena.

:( :( :(

Posted by veela 10:00 Archived in Philippines Tagged transportation

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint