A Travellerspoint blog

Kung Hei Fat Choi!

Chinese New Year - 26Jan

Happy Chinese New Year! Welcome the year of the Ox.

Nagising ako sa lakas ng ingay ng mga paputok malapit sa amin. Aking napagtanto na - aha - Chinese New Year nga pala. Hay naku. Mayroon pa naman ako sanang nalalabing dalawang oras pa na tulog. Kaya pinikit ko ulit ang aking mga mata at hinintay na ma-immune sa ingay sa labas.

Pagkagising ko ulit. Ako ay gumayak dahil ako ay may pasok pa. Aba. Ang sarap ng pagkain sa mesa. At mayroon pang - TIKOY!!! Haha! Ako ay natuwa at pinabaonan pa ako ni mama ng pagkain at tikoy pag-pasok.

Habang ako ay naglalakbay. Mayroon akong nakitang tatlong display ng fireworks. Una sa loob ng village namin, pangalawa sa may Baclaran, at pangatlo sa MOA. Nagkataon kasi na saktong alas-dose na ang oras. Haha! Nakakatuwa!

Pagdating ko naman sa opisina - parang dinaanan lang ng bagyo ang tikoy. Kung Hei Fat Choi Team G! Haha! Si Reina nahiya pa sa nag-iisang tikoy na natira sa loob ng lalagyanan. Paki amin yan Reina dali!

Wala akong prediction sa taong ito dahil hindi naman ako maghuhula. Siguro ang masasabi ko lang ay magtipid tayo at mag-ipon. Dahil hindi natin alam kung mangyayari sa atin ngayong taon.

:) :) :)

Posted by veela 10:00 Archived in Philippines Tagged events

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint